Sino ba ako?

SINO BA AKO?

MATAGAL NG TANONG SA SARILI KO

ISANG TANONG NA HANGGANG NGAYON DI KO PA RIN ALAM ANG SAGOT

ISANG SAKIT NA ALAM KONG WALA NAMANG GAMOT

MATAGAL NG HINAHANAP ANG SARILI PERO BAKIT PARANG

SA PANINGIN NG IBA AY PARANG WALA LANG

DAHIL MATAGAL NAKONG NAWALA, NALIGAW AT PATULOY NA NAGHAHANAP

MARAMI NA RIN MGA NANGYARI, NATAPOS AT NAGAGANAP

BAWAT ARAW NA LUMILIPAS, BAWAT ARAW NA SUMISIKAT

BAWAT BUWAN NA NATATAPOS, BAWAT BUWAN NA UMAANGAT

BAWAT BITUIN NA BUMABAGSAK AT ANG WALANG KATAPUSANG PAG-AGOS

NG MGA TUBIG SA SA ILOG NA HINDI MATATAPOS

PATULOY LANG NA IISIPIN KUNG SAAN BA DAPAT LUMUGAR

KUNG DAPAT BANG SUMUGAL

SA MUNDONG WALANG SIGURADO

DAHIL LAHAT TAYO AY HINDI TITULADO

NA MALAMAN AT MAHUSGAHAN ANG HATING HINAHARAP

KAYA TULOY TULOY LANG AKO SA PAGHAHANAP

SA AKING SARILI KUNG BAKIT BA GANITO

DAHIL MATAGAL NA KONG NAGPAALAM SA DATING AKO.

01012020

Lagi nalang ganito.
Nakakalungkot.

Ang sarap ibalot ng nararamdaman ko
At tyaka ipukpok.

Sabagay una palang naman alam ko na
Kasalanan ko naman to.

Wala naman iba dapat sisihin
Ako tong nagkagusto.

Pero syempre, eto na naman
Kelangan lang umabante.

Kasi kahit anong gawin ko
Wala namang mangyayari.

Mananatili ka na lang siguro dito
Parte ng aking mga tula.

Sana ganun kadali mawala tong nararamdaman ko
Na para bang isang bula.

Nais

Ikaw ay isang buo na buwan, na minsan lang dumalaw
Kahit na buwan ka man, gusto makita sa araw araw

Ikaw ay isang bituin, ako’y sa malayo lang nakatingin
Tahimik na nananalangin, na sana’y gusto mo rin.

Chorus.

Isa ka sa mga sana
Nais ngunit di pwedeng makasama
Lagi nalang ba ko aasa
Na ikaw at ako ay may pag-asa

Ikaw ay isang bundok na matarik, na aking aabutin
Ako’y magpapabalik balik, upang pangarap ko’y tuparin.

Ako ang puno ikaw naman ang bunga, hindi ako mangangawit
Kapag ikaw ay nahulog na, saya ko non ay abot langit

Kasi….

Chorus…

Lahat ng bagay ay aking hahamakin
Mga landas na to ay aking tatahakin
Lahat ay gagawin para saking panalangin
Hindi ako titigil hanggat di ka nagiging akin.

Di Tiyak

Di pa kita nkikilala ng lubos ganito na ko,
Paano pa kapag nakilala pa kita ng buo.

Hindi ko rin maipaliwanag ang aking nararamdaman,
Ngunit alam ko ang nararamdaman ko’y di mo kayang pantayan.

Abot langit ang tuwa kapag ako’y napapansin,
Kahit saglit lang masaya pa rin.

Ako’y isa mong tagahanga,
Hanggang sulat lang ng mga talata.

Isang anghel na nahulog galing sa langit,
Nang makita ay napasigaw ako ng awit.

Alam kong ikaw at ako ay di pwdeng magkatotoo,
Dahil may mga bagay na di tiyak kaya hanggang dito nalang ‘to.

Gusto

Gusto kita.
Gusto kong makilala ka ng lubos.
Gusto kong magsimula bago magtapos.

Gusto kong lumayo.
Gusto kong maglakbay.
Gusto kong tumahak ng landas hawak ang iyong kamay.

Gusto kong matangay.
Gusto kong lumipad sa kalangitan.
Gusto kong iyong ngitian.

Gusto kong tumakbo palayo.
Gusto kong madapa.
Gusto kong umagangat na kasama ka.

Gusto kong ngumiti.
Gusto kong sumayaw.
Gusto kong marinig ang iyong mga hiyaw.

Gusto kong iyong mapansin.
Gusto kong ako’y iyong makilala.
Gusto kong magkaroon tayo ng alaala.

Ngunit gusto ko lang yon, hindi ba halata.
Gusto kong magkaroon ng bagong simula.

Ngunit gusto ko lang yon, hindi ba halata.
Gusto kong matupad di lang salita.

Ngunit gusto ko lang yon, hindi ba halata.
Gusto kong mabasa mo tong tula.

Ngunit gusto ko lang yon, hindi ba halata.
Kahit gustuhin pa man, hanggang dun lang pala.

Siksik

Malungkot kapag pinagpilitan mo sarili mo sa iba
Kahit na alam mong wala ka naman sakanila.

Parang sinasaksak mo sarili mo ng paulit ulit
Ngunit naghihilom agad mga sugat at punit

Umaasa sa mga bagay na pwedeng matamo
Kahit pulang pula at may luha na ang mata mo

Makita, makasama, marinig o makausap
Tyak na gagaan ang pakiramdam na para bang nasa ulap

Gusto lang maramdaman na may taong anjan
Kahit di magtagal, isang minuto man lang

Kaso option, huli o back up lang lagi
Ganto pala pakiramdam kapag hindi pinipili

Kaya nasanay na ko na lagi nalang magisa
Kesa masanay na pagpilitan ko ang sarili ko sa iba.

Alamat

Ito’y alamat ng ikaw at ako.
maaaring hindi, maaaring totoo.

Habang ako,y naglalakad bigla kang dumaan,
bigla nalang ako napunta sa kawalan.

Isang binibini na simple pero ubod ng ganda,
tila isang bulaklak na hindi malalanta.

Papalapit ng papalapit dibdib ko’y sumisikip,
nanginginig ang kamay habang humihigpit.

Di alam ang gagawin kasi ikaw ay malapit na,
bigla nalang akong nagising, panaginip lang pala.

Ito’y alamat ng ikaw at ako,
maaaring hindi, maaaring totoo.
Sa panaginip kong ikaw ang laman.
Doon nalang pala kita mahahagkan.

Inspire

Sometimes, inspirations are only meant to inspire.

I really dont know why i feel something like this.

I always wonder what this really is.

I kept on asking questions.

I always have realizations.

 

Your smile is like the sun who brightens up my day.

Your eyes are like the clouds which lifts me up each day.

You are like a rainbow after the rain.

You are like the joy after the pain.

You are like a star which I know i cant reach

You are an inspiration and that is it.

 

Your hair is like the wind that blows me away.

Your just like a princess that’s all i can say.

You are like the orbit in solar system

You keep me spinning in a rhythm

You are the moon when it’s dark.

You make it easy when its hard.

I really dont know why i feel something like this. 

I  always wonder what it really is.

 

When i see your face my heart keeps pounding.

For sure i know that this ends as nothing.

And i dont know if i’ll have the chance.

But it’s okay for me to look or to glance.

 

But i guess sometimes an Inspiration is only meant to inspire.

Kung nakakapagsalita ang Tagaytay.

Marami ng damdamanin na nailibas
Mga saloobin na di kayang ipalampas
Hindi palagi pero madalas
Pero ang sakit nanatiling humahampas.

Bawat gabi puno ng emosyon
Bawat tao’y puno ng dedikasyon
Sa walang humpay na paghanap ng sagot
Kung pano mawala ang lahat ng lungkot.

Mahirap man mga pagsubok pero kaya
Para ang lungkot ay maging saya
Gagawin lahat ng makakaya
Upang ang puso’y maging malaya

Sa bawat gabi na dumaraan
May mga pusong wasak at sugatan
At pilit tumatayo at lumalaban
Upang mga puso’y muling buksan

Ilang mata pa ba ang iiyak
Sa mga bagay na hindi tiyak
Ilang damdamin pa ba ang masasaktan
Para mga bagay na dapat punan
Ilang oras pa ba ang kelangan ilapat
Para sa mga bagay na dapat

At

Ilang puso pa ba ang mamamatay
Ang maririnig ni Tagaytay